Pinabibilisan ni Senator Nancy Binay sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) ang pagkilos dahil malapit na tayo sa tipping point oras na pumitik ang mga kaso ng COVID-19 Delta variant.
Giit ni Binay sa gobyerno, ikonsidera ang mungkahi ng Octa Research Group na maghigpit agad ngayon pa lang.
Punto ni Binay, Kung ang ibang mga bansa nga eh nahihirapang kontrolin ang pagkalat ng Delta, tayo pa kaya na nasa wait-and-see mode pa rin.
“Kung ang ibang mga bansa nga eh nahihirapang kontrolin ang pagkalat ng Delta, tayo pa kaya na nasa wait-and-see mode pa rin,” sabi ni Binay.
Diin ni Binay, malinaw sa datos ng OCTA na mabilis ang pagkalat at pagtaas ng bilang ng Delta variant sa bansa.
“If we are to check Octa’s numbers and how fast Delta spreads, talagang kailangan mag-level up ang gobyerno pagdating sa response against COVID,” anang senador.
Ayon kay Binay, kung ayaw ng national government na gumalaw ay maaari namang gumawa ng hakbang ang mga local government units (LGU) para maprotektahan ang lugar na kanilang nasasakupan.
Sabi ni Binay, ito ay para mapigilan na kumalat ng husto ang delta variant sa kanilang lugar at hindi humantong na hindi na kayang kontrolin ang sitwasyon.
“Dapat ngayon pa lang maghigpit na ulit. Kung ayaw ng national government na gumalaw, pwede gumawa ng measures ang mga LGU to protect yung areas nila to mitigate the surge before everything gets out of control,” ani Binay.