Gobyerno, dapat magbigay ng suporta at maglatag ng malinaw na patakaran sa barter trade ngayong may pandemya

Binigyang diin ni Senator Christopher Bong Go na walang mali at hindi ilegal ang barter kapag ito ay personal transactions.

Kaugnay nito, ay iginiit ni Go sa Department of Trade and Industry (DTI) na maglatag ng alternatibong paraan o platforms kung saan maaaring isagawa ang barter o palitan ng produkto.

Hiniling din ni Go sa pamahalaan na gawing klaro sa mamamayan ang patakaran sa barter trade para hindi sila malito at magkamali.


Ayon kay Go, mahalaga na matulungan ang publiko na gumagawa ng alternatibong paraan ng transaksyon na makagagaan sa pasakit na dulot ng COVID-19 crisis.

Tiniyak ni Go na suportado niya ang anumang negosyo basta legal, maliit man o malaki dahil ang importante ay nakatutulong ito sa tao at sumusunod sa batas.

Facebook Comments