Gobyerno, dapat maghinay-hinay na sa pagbili ng COVID-19 vaccine dahil may sapat ng suplay sa bansa

Pinayuhan ni Senator Koko Pimentel ang gobyerno na mula ngayon ay maghinay-hinay na sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Ito ay dahil sa tingin ni Pimentel ay mayroon ng sapat na supply ng COVID-19 sa bansa para sa mga gustong magpabakuna at booster shot.

Muli ay ipinaalala ni Pimentel na lahat ng COVID-19 vaccines ay nasa experimental stage pa rin kaya dapat ay walang pilitan ang pagpapabakuna.


Paliwanag ni Pimentel, walang may alam sa posibleng “long term side effects” nito kaya ang dapat maging polisya ay “vaccination of the willing” o kung sino lang an gustong magpabakuna.

Diin ni Pimentel, mainam na sabayan din ito ng sama-sama nating pagdarasal na sana nga dahil sa Omicron na mas mild daw na version ng COVID-19 ay malapit na matapos ang pandemyang ito.

Nauna ng binanggit ni Pimentel na hindi dapat mag-panic ang pamahalaan dahil sobra-sobra na ang suplay natin ng bakuna na dapat gamitin lang sa mga gustong magpabakuna.

Facebook Comments