Gobyerno, dapat maging alerto at handa sa napabalitang swine flu na maaari ring maging pandemya

Ngayon pa lang ay inaalerto at pinag-iingat na ni Senator Francis Kiko Pangilinan ang pamahalaan kaugnay sa napabalitang bagong swine flu sa China na may potensyal na maging pandemya.

Mungkahi ni Pangilinan sa gobyerno, magtatag na agad ng Center for Disease Control and Prevention bago pa man kumalat ang G4 swine flu.

Giit ni Pangilinan, hindi na dapat maulit ang pagkahuli at pagkatunganga ng pamahalaan maraming linggo bago ang local transmission ng COVID-19 sa bansa.


Kaugnay nito, pinapaagapan ni Pangilinan sa gobyerno ang paglalatag ng suporta sa industriyang maaapektuhan sakali mang kumalat ang nabanggit na swine flu.

Ayon kay Pangilinan, magiging malaking dagok ito lalo’t hindi pa lubos na nakakabawi ang bansa sa pagtama ng African Swine Fever (ASF) na nagsimula noong August 2019 at pumatay na sa 250,000 mga baboy.

Facebook Comments