Gobyerno, dapat magkaroon ng mahusay na plano sa Monkeypox para hindi maalarma ang publiko

Pinayuhan ni Senator Koko Pimentel ang mamamayan na huwag mag-panic o maalarma matapos maitala ang unang kaso ng Monkeypox sa Pilipinas.

Diin ni Pimentel, makabubuting maging kalmado at magkaroon muna ng plano.

Bunsod nito ay iginiit ni Pimentel sa Department of Health (DOH) at ibang ahensya na may kaugnayan sa kalusugan na magsimula nang maglatag ng mga hakbang kung paano matutugunan at mapipigil ang pagkalat ng Monkeypox.


Para kay Pimentel, makakatulong din kung magtatalaga na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng kalihim ng health department.

Facebook Comments