Gobyerno, dapat magkaroon ng online database para sa beripikasyon ng arrest warrants

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa gobyerno ang pagkakaroon ng justice system online database na parang Google search app para sa beripikasyon ng arrest warrants.

Ayon kay Recto, layunin nito na hindi maharang sa airport at pantalan, mabiktima ng harassment o pag-abuso at mapagkaitan ng security clearance ang mga indibidual na may kapangalang akusado o may kinakaharap na arrest warrant.

Idinagdag pa ni Recto na sa ating bansa ay maraming popular na apelyido kaya maraming may kapangalan ang nahihirapang kumuha ng police o NBI clearance.


At kung ang kapangalan mo aniya ay may kaso ay dadaan ka pa sa proseso para patunayan na hindi ikaw yun.

Diin ni Recto, mahihinto lang ito kung magkakaroon ng multi-agency National Justice Information System o NJIS online database.

Sabi ni Recto, tututukan ito ng Department of Justice at Department of Information and Communications Technology sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government at Korte Suprema.

Facebook Comments