Gobyerno, dapat maglunsad ng 100-day summer offensive kontra COVID-19

Sa pagtuntong ng COVID-19 lockdown, sa ika-isang taon ay hinikayat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pamahalaan na magkasa ng 100-day summer offensive sa virus mula Abril hanggang Hunyo.

Giit ni Recto, pangunahing ipapaloob sa nasabing hakbang ang pagbabakuna, kung saan dapat klaro ang bilang ng mga babakunahan, bilang ng COVID-19 vaccines na darating sa bansa at saang mga lugar ito dadalhin.

Sabi ni Recto, maituturing itong final push laban sa COVID-19 hanggang sa sumapit ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 4.


Ayon kay Recto, dapat gumawa ng battle plan ang gobyerno o listahan ng mga gagawin nito laban sa virus mula ngayon hanggang sa SONA ng Pangulo.

Ang mungkahi ni Recto ay para may mai-report din si Pangulong Duterte sa kanyang SONA kung ilang milyon na ang nabakunahan, kung saan inaasahan na makakapagdeklara na itong patapos na ang matagal ng national nightmare o bangungot na dala ng pandemya.

Facebook Comments