Hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Foreign Affairs ( DFA) na magpadala ng pormal na mensahe ng pasasalamat sa United Kingdom, France at Germany.
Kasunod ito ng joint note verbale na ipinadala ng naturang mga bansa sa United Nations laban sa mapaminsala at mapang-abusong pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea at sa kabuuan ng South China Sea.
Ang nabanggit na mga bansa ay nagpahayag din ng suporta sa arbitral ruling noong 2016 na pumapabor sa Pilipinas at nagsasabing walang basehan sa international law ang pag-angkin ng China sa buong South China.
Umaasa si Hontiveros na hihikayatin ng ating gobyerno ang iba pang mga bansa na tularan ang hakbang laban sa China ng UK, France, at Germany, gayundin ng United States at Australia.
Ipinaliwanag ni Hontiveros na malaking bagay kung magiging kaisa natin ang international community sa paglaban sa pag-abuso at pambubully ng China.