Gobyerno, dapat magpatupad ng price control sa imported frozen pork at SRP sa local fresh meat

Iminungkahi ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbalangkas ng Executive Order na magpapataw ng price control sa pagbebenta ng frozen imported pork at Suggested Retail Price (SRP) naman sa locally produced meat.

Ito ang nakikitang paraan ni Hontiveros para mabalanse ang interes ng consumers at hog raising industry sa harap ng inaasahang malawakang importasyon ng karneng baboy.

Paliwanag ni Hontiveros, ang price control sa imported pork ang magiging second line of defense para sa mga lokal na nag-aalaga ng baboy.


Diin ni Hontiveros, “win-win solution” ito para sa konsyumer na makaka-enjoy ng mas mababang presyo ng karne at sa mga producer na hindi lalamunin ng pagdagsa ng imported na karne.

Binanggit ni Hontiveros na karamihan sa mga local swine farmers ay dismayado sa Executive Order number 128 na nagtataas sa volume ng aangkating baboy at nagbaba sa taripa nito.

Pero ayon kay Hontiveros, kung makakapagpatupad ng price cap sa bentahan ng imported meat at SRP sa bagong katay na domestic pork ay maaaring mas ganahang magnegosyo ang ating mga magbababoy.

Facebook Comments