Gobyerno, dapat magsikap na makuha ang tiwala ng publiko sa vaccination program

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kailangang makuha ng gobyerno ang tiwala ng taumbayan para magtagumpay ang vaccination program laban sa COVID-19.

Pahayag ito ni Drilon, sa harap ng survey na 228 percent ng 600 respondents sa Metro Manila ang nagsabing hindi sila magpapabakuna habang 47 percent ang undecided.

Ayon kay Drilon, dapat aksiyunan ng gobyerno ang mataas na porsyento ng “vaccine hesitancy” o ang kawalan ng tiwala at pagdadalawang-isip sa pagpapabakuna.


Paliwanag ni Drilon, mababago ng gobyerno ang kawalan ng kumpyansa ng publiko sa pagpapabakuna kung maiaayos ang sistema.

Diin ni Drilon, dapat masiguro ng gobyerno sa mamamayan na walang smuggled vaccines at mataas ang kalidad ng kukuning bakuna kumpara sa prayoridad umanong brand ng gobyerno na mababa ang efficacy rate.

Facebook Comments