Gobyerno, dapat matutong mag-adjust sa COVID-19 pandemic para hindi na maapektuhan pa ang ekonomiya ng bansa

Dapat nang matutong mag-adjust ang gobyerno sa COVID-19 pandemic upang hindi na maapektuhan pa ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ng ekonomista na si Prof. Astro del Castillo sa gitna ng banta ng local cases ng Delta variant na naitala ng Department of Health.

Sa interview ng RMN Manila, naniniwala si Del Castillo na hindi na mauulit ang kagaya ng pagbagsak ng ekonomiya natin noong nakaraang taon dahil kahit ang mga pribadong sektor ay natuto na rin na mag-adjust sa banta ng COVID-19.


Inihalimbawa ni Del Castillo na sa ibang bahagi ng bansa ay tuloy-tuloy na ang negosyo at ang ginagawang Build, Build, Build program ng pamahalaan na nagpapalakas ng ating ekonomiya.

Samantala, nananatili sa 6 hanggang 7 porsyento ang inaasahang magiging paglago ng bansa sa Gross Domestic Product ngayong 2021 na pasok sa target ng pamahalaan.

Facebook Comments