Gobyerno, dapat may isang boses sa pagtugon laban sa COVID-19 ayon kay dating Vice President Jejomar Binay

Magkaroon ng isang boses ang nasyonal na pamahalaan sa patugon laban sa COVID-19.

Ito ang mungkahi ni dating Vice President Jejomar Binay sa pamahalaan ng bansa.

Tinutukoy ni Binay ang ipinatutupad na age restriction para sa community quarantine kung saan iba-iba ang edad na pwedeng lumabas ng bahay.


Dahil dito aniya nagdudulot ito ng kalituhan sa publiko.

9 na buwan ng naka-lockdown ang bansa, dapat aniya alam na ng gobyerno kung ano ang mga gagawin at ipatupad na hindi magdudulot ng kalituhan sa nga Pilipino sa pagsunod ng quarantine guidelines.

Kaya payo sa administrasyon na sa magusap-usap muna sila bago magbigay ng anunsyo o magpatupad ng polisya.

Matatandaan, ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay nagpatupad ng 15- 65 taon gulang ang pwede lumabas ng bahay, pero sa National Capital Region (NCR), 18- 65 na taon gulang ang pwedeng lumabas.

Sinabi rin ng IATF na hindi pwedeng lumabas ng bahay ang below 17 years old at 65 years old up, pero hahayaan sila sa labas ng bahay kung sila ay kasama sa essentials o may kasamang magulang naman ang mga menor de edad.r

Facebook Comments