Dapat maghinay-hinay muna ang gobyerno sa pag-utang ngayong hindi pa tuluyang nakakabangon ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Pamantasan ng Lungsod ng Maynila president Emmanuel Leyco na kada taon kasi ay nasa 20 porsyento ng national budget ang nakalaan bilang pambayad sa ating utang.
Idinagdag pa ni Leyco na malaking bagay na sana ito para sa pagpondo ng iba’t ibang mga proyekto at serbisyo sa mga Pilipino
Hindi rin aniya tiyak kung papaano natin mababayaran ang mga utang lalo na’t hindi pa nakakabalik ang ating ekonomiya sa pre-pandemic level.
Sa ngayon, pumalo na sa ₱11.92 trillion ang utang ng bansa hanggang noong Setyembre batay sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury.
Mas mataas ito ng 27.2 porsyento sa naitalang P9.37 trillion noon lamang nakaraang taon.