Kinalampag ni Senator Imee Marcos ang pamahalaan na magpatupad ng tiyak na kongkretong solusyon para sa mga isyung nakapaligid sa PUV Modernization Program (PUVMP).
Kaugnay na rin ito sa malawakang transport strike ng mga grupong PISTON at MANIBELA bilang protesta sa wala nang extension na deadline ng PUV consolidation sa April 30.
Pangunahin sa pinareresolba ng senadora ang kawalang kakayahan ng ilang PUV operators at drivers na makabili ng bagong units.
Giit ni Sen. Marcos ay kung saan kukuha ang mga ito ng P2.4 million na halaga ng isang modern jeepney at kapag naman hindi nakapagbayad ng utang ang operator sino aniya ang sasalo rito.
Malaking usapin din ang pagsali sa transport cooperative dahil idinadaing ng operators na silang may-ari ay magiging empleyado na lamang ng kooperatiba.
Nanawagan ang senadora ng malawakang konsultasyon sa owners, drivers, commuters at sa iba pang stakeholders para bigyang solusyon muna ang mga problema bago ang ganap na pagpapatupad ng programa.