Panahon na para panghimasukan ng gobyerno ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin.
Kung maaalala, 9 na beses nang sunod-sunod nagtaas ang presyo ng petrolyo na naging mitsa para tumaas din ang presyo ng bilihin.
Ang ginagamit na dahilan ang nangyayaring gulo sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine.
Ayon sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, dapat magkaroon ng matibay na political will ang administrasyong Duterte upang pigilan ang sumisipang presyo ng langis.
Marami na rin kompanya ang nagsabing apektado na sila ng giyera sa Ukraine na pangunahing producer ng trigo.
Nagsabi na ang ilang gumagawa ng tinapay at noodles na mag tataas sila ng presyo dahil sa epekto ng kakulangan ng supply.
Dahil dito, dapat nang umisip ng paraan ang gobyerno lalo pa’t sa ganitong sitwasyon ang mga manggagawa, magsasaka at mangingisda ang lubos na maapektuhan.