Hiniling ni Committee on Economic Affairs Chairperson Senator Grace Poe na manatiling mapagbantay ang gobyerno sa lagay ng ating ekonomiya.
Ito’y sa kabila ng naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pagbaba sa unemployment rate sa bansa sa 4.5 percent noong Oktubre mula sa 5 percent noong Setyembre.
Bagama’t ikinalulugod ni Poe ang resulta sa pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa, kailangan pa rin aniyang maging mapagbantay ang pamahalaan sa galaw ng ekonomiya.
Inaasahan kasing babagal ang pandaigdigang pag-unlad sa susunod na taon at ito ay makakaapekto sa exports ng bansa at job prospects ng ating Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa kabilang banda ay kumpiyansa naman ang senadora na ang budget ng Kongreso para sa susunod na taon ay makakatulong para maiwasan ang mga bantang ito.