Gobyerno, dapat patuloy na mamuhunan sa agrikultura para matulungan ang mga magsasaka

Pinayuhan ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang gobyerno, palakasin ang pamumuhunan sa sektor ng agrikultura para matulungan at maingat ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Tinukoy ni Lee, base sa 2021 poverty statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay lumalabas na pinakamataas ang antas ng kahirapan sa hanay ng mga mangignisda at magsasaka.

Kaya hamon ni Lee sa pamahalaan, buhayin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng modernisasyon para ang mga manggagawa dito ay umangat ang trahaho at tumaas ang sweldo.


Paalala ni Lee, nakakabit ang pag-unlad ng bansa sa agrikultura kaya makabubuting pag-ibayuhin din ng gobyerno ang paghimok sa mga kabataan na ipagpatuloy ang pagsasaka bilang tugon sa nakaambang kakulangan ng bansa sa mga magsasaka sa susunod na 12 taon.

Tinukoy ni Lee na base sa 2020 study ni retired University of the Philippines Anthropology Professor Florencia Palis, nasa 53 anyos pangkaraniwang edad ng mga magsasakang pilipino ngayon at ayaw nilang magtrabaho din sa sektor ng agrikultura ang kanilang mga anak.

Facebook Comments