Gobyerno, dapat tiyaking ligtas na makakalaya ang natitira pang mga Pilipino na hawak ng Hamas militant group sa Israel

Labis na nag-aalala si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman and Kabayan Party-list Representative Ron Salo sa mga Pilipino sa Israel lalo na ang hawak pa rin ng Hamas militant group.

Bunsod nito ay pinapakilos ni Salo ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) para gawin ang lahat upang makalaya ng ligtas ang mga kababayan natin mula sa kamay ng Hamas.

Hiling ni Salo sa pamahalaan, siguraduhing maayos na makakabalik sa kanilang mga mahal sa buhay ang mga Overseas Filipino Wokers (OFWs) sa Israel.


Kasabay nito ay nanawagan din si Salo sa international community na suportahan ang mga hakbang ng ating bansa para maproteksyunan ang karapatan at kapakanan ng mga OFWs na nasa poder pa ng grupong Hamas.

Umaapela rin si Salo sa lahat ng sangkot na partido na sumunod ng mahigpit sa international humanitarian laws.

Facebook Comments