Nagbabala ang Dept. of Justice (DOJ) na mapipilitang gumawa ng legal na hakbang ang gobyerno laban sa dalawang Water Concessionaires.
Ito’y kapag hindi sumang-ayon ang Maynilad at Manila Water na tanggalin ang mga ilegal at maanomalyang probisyon sa Concession Agreement.
Ayon kay Justice Spokesperson, Usec. Markk Perete, handa naman ang Maynilad at Manila Water na mapag-usapan ito.
Maliban sa DOJ, gagawa rin ng aksyon ang Office of the Solicitor General, Dept. of Finance, at iba pa.
Umaasa ang gobyerno na mapapagkasunduan ito ng dalawang panig dahil kung hindi, ang mga kaukulang ahensya na ang kikilos para resolbahin ito.
Facebook Comments