Gobyerno, ginagawa ang lahat kaugnay sa bagong COVID-19 strain

131

Kinalma ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang sambayanan matapos makumpirma na mayroong bagong strain ng Coronavirus sa United Kingdom (UK) na nakapasok na rin sa ibang bansa, kasama ang Malaysia na malapit lang sa Pilipinas.

Diin ni Go, ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng paghahanda at lahat ng makakaya para hindi makapasok sa bansa ang bagong strain ng virus.


Kaya naman paalala ni Go sa publiko na sa ngayon ay walang ibang pwedeng gawin kundi ang sumunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, palaging paghuhugas ng kamay at iba pang pag-iingat.

Facebook Comments