Gobyerno, gumagawa na nang paraan para makapagpadala ng tulong sa Syria na tinamaan ng malakas na lindol

Hinahanapan na ng paraan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makapag padala ng tulong ang Pilipinas sa Syria na tinamaan ng 7.8 magnitude na lindol.

Umaasa ang pangulo na may maibibigay na tulong ang Pilipinas sa Syria.

Sa pinakahuling talaan, umabot na sa mahigit 22,000 ang nasawi sa lindol sa Syria at Türkiye.


Ayon sa Pangulo alam niya ang sitwasyon ngayon sa Syria kaya umaasa siya na makakapag-padala rin ng tulong ang Pilipinas doon sa lalong madaling panahon.

“Now I’m trying to find a way kasi hindi lang naman Türkiye ang tinamaan, Syria pati. Alam naman natin ang kalagayan sa Syria, hindi napakaganda. So I’m hoping that we’ll be able to do something to help them also,” – PBBM

Una nang nagpadala ng 85-man team ang Pilipinas sa Türkiye.

Binubuo ang team ng mga engineer at mga health professionals na tutulong sa mga biktima ng lindol.

Ayon sa pangulo na base sa mga natanggap nyang report sa ipinadalang team sa Türkiye ang daming humihingi ng tulong sa kanila, kaya nag set up na sila ng ospital doon at marami dumadaan at marami ang nare-rescue.

“The other thing is I’ve been receiving reports from our team in Türkiye. Napakabigat ng pangyayari. Marami na silang natulungan. They set up already a hospital at marami nang dumaan, marami na silang na-rescue, but we’ll still keep going on,” – PBBM

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa lawak ng pinsala ng lindol.

Facebook Comments