Gobyerno, gumawa na ng ilang paraan para sa agarang solusyon sa nararanasang kawalan ng kuryente sa Occidental Mindoro

Ipapatupad na nang pamahalaan ang ilang mga hakbang para masolusyonan ang lumalalang problema sa kuryente sa Occidental Mindoro.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, nahaharap na ngayon ang Occidental Mindoro Electric Cooperative o OMECO sa kakapusan sa supply ng kuryente na umaabot sa 22.5 megawatts.

Kakailanganin ng 33 megawatts para magkaroon ng supply ng kuryente sa buong Occidental Mindoro, pero sa ngayon mayroong lamang natatanggap na 12 megawatts of power ang OMECO.


Dahil dito ayon sa PCO, magsu-supply na rin ang Power Systems Inc o PSI na mayroong diesel power plant sa bayan ng San Jose ng 6 megawatts of power.

Gagastos ito nang 70 million pesos kada buwan na makakapagbigay ng anim hanggang 7 oras na kuryente kada araw sa mga taga-Occidental Mindoro.

Nag-isyu na rin ang Department of Energy (DOE) nang Certificate of Exemption para payagan ang OMECO na pumasok sa negotiated procurement sa Emergency Power Supply Agreement o EPSA para magkaroon ng 17 megawatts power of supply.

Nakipag-usap na rin ang National Electrification Administration o NEA at OMECO sa posibleng power suppliers para sa EPSA at lumalabas na ang DMCI Powers Corporation ang tanging power company ang agad makapagbibigay ng power supply sa mabilis na panahon.

Nag-commit raw ang DMCI Power Corporation ng 10 megawatts sa loob lamang ng isang buwan habang 7 megawatts sa loob ng dalawang buwan.

Bukod rito mayroong apat na units ng diesel generator sets na may dalawang Megawatts per unit ang pwedeng gamiting ng mga electric cooperatives sa Region 8.

Patuloy namang nag-i-explore ang National Power Corporation para makapagbigay ng dagdag na power supply sa lalawigan.

Habang mayroong araw-araw na briefing ang Task Force Energy Resiliency kasama ang mga local government para sa update ng power supply situation.

Facebook Comments