Determinado ang pamahalaan na ipatupad ang mabilis at maayos na pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa lahat ng benepisyaryo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, nagawa na ng pamahalaan ang paghahanda nito para sa vaccine rollout, kabilang ang storage at transportation ng mga bakuna.
“We are waiting for the vaccines to arrive and to immediately implement the required mandate and that is to mabakunahan lahat. We will do it as fast as the vaccines will come in. We have explained it to the people why we cannot give it indiscriminately to any government, I’m just talking of government entities… as fast we receive them, we distribute them,” sabi ng Pangulo.
Sabi pa ng Pangulo, nakahanda na rin ang mga cold storage facilities kung saan ilalagay ang mga bakuna para hindi ito masayang.
Maaari ding gamitin ng pamahalaan ang mga public school buildings at military hospitals para gawing vaccination centers.
Ang immunization program ay maaari ding gawin sa police at military camps sa mga liblib na lugar.
Tiwala ang Pangulo na makakatawid ang bansa sa pandemya at inaasahang magkakaroon ng magandang resulta sa katapusan ng taon.