Gobyerno, handa sa posibilidad na terror attack sa bansa

Tiniyak ng Malakanyang na handa ang hanay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibilidad ng terror attack sa bansa.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod ng natanggap na intelligence report ng Japan kaugnay sa posibilidad na terror attack sa anim na Southeast Asian countries kabilang na ang Pilipinas.

Ayon sa kalihim, naka-heightened alert ang bansa, kasunod ng Marawi siege.


Pinaigting na ng mga otoridad ang kanilang kakayahang harapin ang mga terroristic attack.

Kaugnay nito, hinikayat ng Palasyo ang publiko na iulat sa mga kinauukulan ang mga mapapansing kahina-hinalang indibidwal o aktibidad.

Habang nagpasalamat din ang pamahalaan sa babala ng Japan.

Facebook Comments