Gobyerno, handang ilikas ang mga Pinoy sa Wuhan, China

35

Tiniyak ni committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na handa ang pamahalaan na magpadala ng eroplano para sunduin ang mga pilipino na gustong umalis sa Wuhan, China.

Ayon kay Go, nasa 30 hanggang 50 mga pilipino sa Wuhan, China ang nais ng bumalik sa Pilipinas.


Sabi ni Go, tinalakay ito sa pulong ng matataas ng opisyal ng Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Pero din ni Go, bago payagang makauwi ng bansa ay dapat munang tiyakin na walang taglay na coronavirus ang nabanggit na mga pilipino.

Sa ngayon aniya ay nakaantabay ang gobyerno sa go signal na ibibigay ng China para mapauwi na ang naturang mga pilipino.

Facebook Comments
From Advertisers