Handa ang gobyerno na magbigay ng legal assistance sa naarestong Filipina dahil sa drug trafficking sa Malaysia.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – hahayaan nila gumulong ang batas upang malaman kung sangkot ang Pinay sa illegal drug trade.
Maaari rin aniyang isang “innocent courier” lamang ang Filipina.
Kung hindi naging patas ang pagbibigay ng hatol sa kanya ng Malaysian court, maaaring gamitin ng Philippine government ang legal remedies sa ilalim ng Malaysian legal system upang ipawalang-sala ang ating kababayan.
Tugon ito ng Malacañan matapos mahulihan ng 5.9 kilos ng shabu ang Filipina sa Kota Kinabalu, Malaysia.
Facebook Comments