Hinamon ni Senator Imee Marcos ang pamahalaan na maibaba ang presyo ng gasolina ngayong 2024.
Pinuna ng senadora na nitong nakalipas na 2023 ay naging gipit at mahirap ang buhay ng maraming pamilyang Pilipino dahil sa nanatiling mataas ang presyo ng langis.
Ayon kay Sen. Marcos, kahit ini-import ng bansa ang suplay ng langis maaari pa ring bawasan ang mga buwis para sa kapakanan ng maliliit na namamasada at consumers.
Dagdag pa sa solusyon para maibaba ang presyo ng langis ay sugpuin ang lumalawak na smuggling ng mga produktong petrolyo.
Hangad din ng mambabatas na hindi kumalat ang giyera sa Ukraine, Israel- Gaza, Ethiopia, Sudan at iba pa na isa rin sa dahilan ng lalo pang pagtaas sa presyo.
Iminungkahi ng senadora na repasuhin natin ang sitwasyon sa bansang magulo at mapanganib para sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs).