Gobyerno, hindi dapat maging dependent sa rice importation – Sen. Go

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na hindi dapat umasa o maging dependent ang bansa sa rice importation ngayong may El Niño.

Paliwanag ng senador, bukod sa bansa ay tiyak na apektado rin ng phenomenon ang ibang mga bansa.

Binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng pagbalangkas ng immediate at long term solution laban sa posibleng rice crisis dulot ng El Niño.


Tinukoy ng mambabatas ang pangangailangan na dagdagan ang buffer stock ng bigas na magmumula dapat sa mga lokal na magsasaka.

Dapat aniyang ngayon pa lamang ay kumilos na ang Department of Agriculture at pasiglahin ang lokal na pagsasaka partikular ang pagbibigay ng tulong sa mga ito.

Iginiit ni Go na malaking tulong sa mga magsasaka ang pagbibigay ng mga fertilizer gayundin ang mga “drought resistant” palay varieties upang mapalakas ang produksyon.

Facebook Comments