Iginiit ni Ways and Means Chairman Joey Salceda na hindi pa rin dapat maging kampante ang pamahalaan sa tinamong 11.8% na paglago ng ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon.
Ayon kay Salceda, positive development ang naitalang economic growth na indikasyon na posible ang 7% Gross Domestic Product (GDP) sa 2021.
Pero, ang pag-angat ng ekonomiya ay hindi naman nangangahulugan na naging madali ito sa publiko.
Binigyang diin ng kongresista na ang mabilis na COVID-19 vaccine rollout at paglalatag ng mitigating measures laban sa COVID-19 ang makapagsasabi kung mapapanatili ng bansa ang recovery nito sa ikalawang bahagi ng taon.
Tinukoy ng mambabatas na kung magagawa ang mabilis na bakunahan, mapondohan ang genome sequencing, magkaroon ng epektibong testing, treatment, at isolation ay tiyak na permanente na tayong mawawala sa recession.
Hindi aniya dapat maging kampante dahil kahit inalis na sa recession ang bansa nananatili pa ring maliit ang ating ekonomiya kumpara noong bago magkapandemya.