Gobyerno, hindi dapat magpadalos-dalos sa pagbili ng mga armas

Nagpaalala ang isang senador sa pamahalaan na huwag magpadalos-dalos sa kabila ng panibagong pambu-bully ng China lalo na sa aspeto ng pagbili ng mga armas.

Ito ang pahayag ni Senator Chiz Escudero sa kabila ng tensyong namumuo sa Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Escudero, hindi dapat mag-panic buying ang gobyerno ng mga modernong armas at kagamitan para sa ating Defense Department.


Aniya, asahan na maraming lalapit sa bansa na mga nagbebenta ng armas dahil sa nararamdaman nila na oportunidad.

Pero dapat aniyang maging “picky buyer” ang ating pamahalaan tulad ng pagiging mapili natin sa pagbili ng gamot dahil wala tayong sobra-sobrang pondo.

Mahalaga naman aniyang maikunsidera ng gobyerno ang kakulangan natin sa eroplano, barko at motor vehicle sa pagtugon sa mga kalamidad na maaaring “dual use” na magagamit na sa military operation at maaari pang gamitin sa mga rescue at relief operations sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments