Nanindigan si ACT Teachers Partylist Representaive France Castro na hindi na kailangang mangutang na naman ng administrasyong Duterte para sa kinakailangang pondo sa paglaban sa COVID-19.
Giit ni Castro, sa katunayan ay mayroong mapagkukunan ng pondo mula sa realignments ng 2020 budget at 2019 continuing appropriations.
Kabilang anya rito ang confidential at intelligence funds na umaabot sa P9.6 Billion.
Pinarerepaso rin ng kongresista ang mga programang pang-imprastraktura para mai-reprogram at i-reallocate sa mga pangangailangang medikal at socioeconomic sa gitna ng krisis.
Gayundin, sinabi ng mambabatas na dapat magpatupad muna ang gobyerno ng moratorium sa pagbabayd ng utang.
Ayon pa kay Castro, tinukoy ni Pangulong Duterte sa kanyang unang report na mayroong P372.7 billion sa special purpose fund allotments na pwedeng i-realign kung saan sa pangalawang report ay binanggit nitong P189.9 billion ang nagamit na.