Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang dahilan para magdiwang sakaling matapos na ang bakbakan sa Marawi City.
Paliwanag ng Pangulo, marami ang namatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng gobyerno at ng teroristang grupong Maute na patuloy na dinedepensahan ang ilang bahagi ng nasabing lungsod.
Sinabi pa ng Pangulo na imbes na gumastos sa pagkain at sa alak o sa ano pamang pagdiriwang ay simpleng pagbati lamang ang kanyang gagawin sa mga sundalo.
Hindi din aniya maituturing na tagumpay ang nangyayari sa Marawi City dahil maraming Pilipino ang namatay, mga sundalo, sibilyan at kahit ng mga miyembro ng Maute.
Hindi din naman alam ni Pangulong Duterte kung kalian talaga magtatapos ang problema sa Marawi City upang masimulan na ng tuluyan ang rehabilitasyon ng lungsod.
Gobyerno, hindi magkakaroon ng selebrasyon sakaling matapos ang gulo sa Marawi City
Facebook Comments