Gobyerno, hindi mauubusan ng pondong ipang aayuda sa mga maaapektuhan ng ECQ

Tiniyak ng Malacañang na hindi mauubusan ng pondo ang gobyerno para ipang ayuda sa mga pamilya na maaapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na batay sa Department of Finance (DOF), ang available na pondo ay huhugutin mula sa mga dibidendo ng mga Government-Owned or -Controlled Corporation (GOCC) at savings ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Handa rin aniya ang kongreso na magbigay ng supplemental budget kung kinakailangan.


Una nang sinabi ni Roque na gugugol ang gobyerno ng P13.1 billion para sa ayuda sa pinakamahihirap na pamilya sa Metro Manila sa panahon ng dalawang linggong ECQ.

Facebook Comments