Gobyerno hindi na dapat pumayag sakaling may renegotiation sa VFA, MDT at EDCA, ibasura na rin

Iginiit ng Makabayan sa Kamara na hindi na dapat pang makipag-usap ang gobyerno sa Estados Unidos para bawiin ang pagputol sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Nababahala si Gabriela Representative Arlene Brozas na maging bukas sa negosasyon ang VFA dahil anim na buwan pa ang hihintayin bago maging epektibo ang pagbawi ng Pilipinas sa kasunduan sa Amerika.

Ang kailangan aniya ay manindigan ang Pilipinas para sa mga Pilipino at hindi sa kapakanan ng mga kano.


Bukod sa VFA ay kailangan na ring putulin ng bansa ang Mutual Defense Treaty (MDT) at ang Enhance Defense Cooperation Agreement o ang EDCA.

Hindi rin nangangahulugan na dahil pinutol ang kasunduan ay sasandal na ang bansa sa China.

Hinamon naman ni Kabataan Representative Sarah Elago ang administrasyong Duterte na pag-aralan din ang mga kasunduan ng Pilipinas sa iba pang mga bansa.

Hamon din ito ng Makabayan bloc sa Kamara na maging simula ito ng pagbuo ng independent policy ng Pamahalaan.

Facebook Comments