Gobyerno, hindi na gumagamit ng “rock netting at studs” sa mga gilid ng bundok, ayon sa isang kongresista

Mariing binabulaanan ni Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ginagamit pa rin sa mga proyekto ng pamahalaan ang mga “rock netting at studs” para sa mga slope protection sa gilid ng mga bundok na layuning maiwasan ang mga landslides.

binanggit pa umano ni Magalong na ang “rock netting at studs” ay walang silbi para pigilan ang pagguho ng bundok bukod sa nagiging source umano ito ng korapsyon ng mga pulitiko dahil malaki ang kickback nila.

Pero paglilinaw ni Marcoleta, pag-upo ng Marcos administration ay ipinagbawal na ang paggamit ng mga “rock netting at studs” sa mga gilid ng bundok.


Diin pa ni Marcoleta, ang Congress ang nagsulong naipagbawal na ang paggamit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga “rock netting at studs” dahil hindi matibay at sayang lang ang pera ng bayan.

Samantala, pinasalamatan naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si DPWH Secretary Manuel Bonoan dahil sa pagpapalabas ng isang department order kamakailan na nagpapaala sa lahat ng DPWH Regional Directors at District Engineers.

Laman ng deriktiba ang pagbabawal na sa paggamit ng mga net o trapal at mga bakal sa mga gilid ng bundok.

Facebook Comments