Gobyerno, hindi naman talaga sumusunod sa presyo ng langis sa World Market ayon sa isang kongresista

Pinabulaanan ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na sumusunod sa galaw ng presyo ng langis sa World Market ang mga oil company sa bansa.

Giit ni Brosas, hindi ito totoo dahil batay sa pagtataya, overpriced ang local petroleum products ng ₱4 hanggang ₱5.

Binanatan muli ng kongresista sina Pangulong Rodrigo Duterte at Energy Secretary Alfonso Cusi na dedma pa rin sa mga panawagang gawan ng paraan ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.


Pero sa halip aniya na pakinggan at aksyunan ay politika pa rin ang inuuna sa kabila ng nahihirapan na ang mga mamamayan sa ikawalong pagtataas nanaman ng oil prices.

Kinalampag ng mambabatas ang pamahalaan na tigilan na ang panlalamang tulad ng ginawa sa overpriced na face masks at face shields.

Nangako rin ang lady solon na tuluy-tuloy pa rin sila sa panawagan na ibasura ang Oil Deregulation Law at tanggalin ang VAT at excise tax sa langis.

Facebook Comments