Gobyerno, hinimok na magpatupad ng bagong guidelines sa posibleng airborne transmission ng COVID-19

Hinimok ng mga doctor ang gobyerno na magpatupad ng bagong guidelines na aangkop sa posibleng airborne transmission ng COVID-19.

Ayon sa isang neurosurgeon na si Dr. Ronnie Baticulon, hindi dapat ipagsawalang bahala ang mga pag-aaral na posibleng airborne na ang hawaan ng COVID-19.

Kabilang aniya sa dapat ipatupad sa pampublikong transportasyon ay ang paglalagay ng electric fan sa halip na aircon para hindi ito maging kulob.


Mainam din kung makapagsusuot ang publiko ng mataas na kalidad ng face mask at face shield para mas matiyak ang kaligtasan sa hanging nalalanghap ng bawat isa.

Facebook Comments