Manila, Philippines – Humingi ng pang-unawa ang pamahalaan sa publiko lalo na sa mga residente ng Marawi City na matinding naapektuhan ng halos 5 buwang bakbakan sa lugar.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Major General Restituto Padilla, hindi pa talaga maaaring makapasok ang mga residente ng Marawi City sa lungsod dahil hindi pa tapos ang clearing operations sa lungsod sa kabila ng pagdedeklara ni Pangulong Duterte na liberated na ang Marawi City.
Paliwanag ni Padilla, kailangan kasing matiyak ng militar na wala nang mga mprovised explosive devices sa mga gusali sa lungsod bago payagang makabalik ang mga residente at magsimula ang assessment ng task force bangon Marawi.
Kaya naman humingi ng pangunawa si Padilla sa publiko dahil kailangana niyang maintindihan ang mga ginagawa ng gobyerno.
Gobyerno, humingi ng pang-unawa sa matagal na operasyon sa Marawi City
Facebook Comments