Gobyerno: Ilang mga naantalang flood control project dahil sa sama ng panahon, kayang habulin sa loob ng dalawang taon

On track ang mga proyekto ng gobyerno para sa flood control, at patuloy na tinututukan ng pamahalaan ang problema sa pagbaha ng iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, na sa kabila na mayroong ilang flood control projects ang na naantala, dahil sa iba’t ibang rason, tulad ng sama ng panahon, maliliit na proyekto lamang ito.

Ngayong 2023 aniya, nasa P180 billion ang kabuuuang halaga ng inilaang pondo para sa mga imprastruktura at pasilidad na tutugon sa pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Pero, siniguro ng kalihim na karamihan sa mga programang nasa ilalim ng 2023 national budget ay on going na.

Mayroon aniya silang dalawang taon upang isakatuparan ang mga ito.

Habang ang ilang proyekto naman na naantala ay kayang habulin sa loob ng dalawang taon.

Facebook Comments