Gobyerno, inilatag ang Ilang mga target na maabot sa 2023 kabilang na ang pagpasa sa 30 panukalang batas sa LEDAC Legislative Agenda

Inilatag na nang National Economic Development Authority o NEDA ang target na maabot ng gobyerno sa 2023.

Ayon Kay NEDA Chief Arsenio Balisacan, Ilan na dito ang sana’y pagkakapasa ng may 30 panukalang batas sa LEDAC Legislative Agenda.

Kasama rin sa target na makumpleto na ang registration ng 92 milyong Pilipino sa Philippine Identification System o PhilSys.


Maliban pa dito ang pagpupursige sa mga major national projects na ginagawa sa ilalim ng Public Private Partnership o PPP.

Tutugunan din ayon kay Balisacan ang National Innovation Agenda and Strategy Development 2022-2032 na gagabay sa inisyatibong paunlarin pa ang mga innovation sa ecosystem.

Kabilang din ayon sa kalihim ang gagawing pagtutok sa Philippine Development Plan habang isinasapinal ang Regional Development Plans, Public Investment Program for 2023-2028, at ang Three-Year Rolling Infrastructure Plan for fiscal year 2024-2026.

Facebook Comments