Iginiit ni Testing Czar Vince Dizon na kailangang makipagsabayan ng pamahalaan sa mga pagbabago sa COVID-19 testing technology para mapabuti ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Dizon, mabilis na umuunlad ang tekonolohiya kaya kailangan ang patuloy na pag-review at pag-validate sa mga ito.
Sa kasalukuyan, ginagamit ng bansa ang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test para matukoy ang aktibong COVID-19 cases.
Napuna rin ni Dizon na mayroong problema pagdating sa turnaround time ng RT-PCR test hindi lamang na isa itong “complex test” kundi mayroon ding pagkukulang ng healthcare professionals na nagmamando sa mga laboratory.
Aminado si Dizon na napapagod na ang mga medical technologist.
Ang iba pang uri ng tests na sinisilip ng pamahalaan ay ang Antigen test na pinag-aaralan na ng mga eksperto sa Pilipinas at mayroong 15-minute turnaround.
Kapag nagamit na ng bansa ang mga bagong paraan ng tests ay mapapabuti ang government response sa pandemya.
Nabatid na target ng pamahalaan na makapagsagawa ng 40,000 test kada araw.