Gobyerno, kinalampag na ipatupad ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bottles

Hiniling sa Kamara na tuluyang ipagbawal na ng gobyerno ang paggamit ng plastic bottles.

 

Ayon kay OFW Family Rep. Bobby Pacquaio, pangatlo ang bansa sa may pinakamataas na bilang na gumagamit ng plastic bottles sa buong mundo.

 

Iginiit nito na hindi dapat magbingi-bingihan ang Kongreso sa panawagan ng mga environmental groups na bawasan na ang paggamit ng plastic.


 

Layunin ng pagbabawal sa paggamit ng plastic bottles na maisalba ang kalikasan at mabigyang proteksyon ang karapatan ng publiko sa balanse at malusog na kapaligiran.

 

Ang isang plastic bottle ay umaabot ng 400 hanggang 1,000 taon bago ito ma-decompose.

 

Samantala, sa Senado ay balak ding maghain ng counterpart na resolution ang kapatid ng kongresista na si Senator Manny Pacquiao.

Facebook Comments