Gobyerno, kumpiyansa na hindi marami ang sasali sa tigil-pasada bukas

Nakahandang magbigay ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) para sa mga pasaherong mahihirapang sumakay sa mga jeep at bus bukas sa harap ng bantang tigil-pasada ng ilang grupo ng transportasyon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr Undersecretary (USEC) for planning Timothy Batan na kahit may nakaamba na tigil-pasada, hindi naman nila inaasahang marami ang sasali sa transport strike bukas.

Marami kasi aniya sa mga transport group ay suportado ang Public Utility Vehicle (PUV) modernization program kaya hindi sasama sa protesta.


Kaya naman ayon kay Bathan na gaya noong unang bahagi ng taon at nitong Nobyembre, kakaunti lamang ang lalahok sa tigil-pasada.

Pangunahing dahilan ng ilulunsad na tigil-pasada bukas ng ilang transport groups ay ang pagtutol sa itinakdang December 31 deadline para sa consolidation.

Ngunit kahapon ay nanindigan na si Pangulong Marcos na walang extension o hindi na palalawigin pa ang deadline para dito.

Facebook Comments