Tiwala ang pamahalaan na makukuha pa rin ang target na 100% domestic tourism ngayon taon, kahit pa may naganap na malawakang oil spill sa Oriental Mindoro.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco na batay sa mga nakuhang niyang mga feedback mula sa mga nasa sektor ng turismo ay sinasabing lumagpas pa sila sa kanilang target projections lalo na sa Puerto Galera na isa sa top tourism destination sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Hanggang nitong taong 2022 ayon kay Secretary Frasco, kumita ang Puerto Galera ng kalahating bilyong piso mula sa mga international arrival habang nasa ₱122 milyon ang kinita sa domestic trips.
Kaugnay nito, hindi naman tumitigil ang Department of Tourism (DOT) sa pagtulong sa mga naapektuhan ng oil spill sa oriental Mindoro lalo na ang nasa 11,000 mga tourism worker na nawalan ng hanapbuhay.
Sa ngayon, umaabot na sa halagang ₱900 milyon ang lugi ng Oriental Mindoro dahil sa nangyaring malawakang pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.