Tiwala ang pamahalaan na matatapos nila ang rehabilitasyon sa Marawi City pagsapit ng December 2021
Ito ay sa kabila nang Coronavirus pandemic.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Task Force Bangon Marawi Head Eduardo del Rosario na simula sa susunod na buwan ay magkakaroon na ng full blast sa konstruksyon sa Marawi.
Sinabi pa ni Del Rosario na inilabas na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.6 billion funds na kakailanganin para sa nasabing rehabilitasyon.
Matatandaang noong May 23, 2017, kinubkob ng Islamic State linked Maute group ang Marawi City dahilan para isailalim ni Pangulong Duterte sa Martial Law ang buong Mindanao.
Facebook Comments