Gobyerno, magbibigay ng cash aid sa mga temporarily displaced workers sa NCR Plus sa gitna ng ECQ

Handa ang pamahalaan na magbigay ng financial assistance sa lahat ng displaced workers sa loob ng NCR Plus bubble na isang linggong isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) simula mamayang hatinggabi.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, handa silang magbigay ng cash assistance partikular sa mga overseas Filipino Workers (OFW) at mga nasa formal employment.

One-time P5,000 cash aid ang maaaring matanggap ng mga formal workers na mawawalan ng trabaho habang P10,000 ang mga OFW.


Ang mga informal workers naman ay bibigyan ng pansamantalang trabaho sa loob ng 10 araw.

Para sa mga formal workers, magbabase aniya ang ahensya sa mga employers na magsusumite ng mga pangalan ng mga manggagawa nilang nawalan o natigil sa pagtatrabaho.

Umaasa naman ang kalihim na hindi magreresulta ng matinding unemployment ang ipatutupad na one-week lockdown.

Hinikayat din ng Employers Confederation of the Philippines ang malalaking kompanya na pasanin muna ang sweldo ng kanilang mga no-work, no-pay workers mula Lunes hanggang Miyerkules.

Facebook Comments