Magpapadala ng 85 na mga tauhan ang Department of National Defense (DND) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Turkey at Syria para tulungan ang mga Pilipinong nabiktima ng malakas na lindol.
Sa ambush interview sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ng pangulo na bukas ay inaasahang aalis sa bansa ang ipapadalang team bitbit ang kanilang mga assets.
Kabilang rin sa ipapadala ay mga engineers at health workers.
Ayon pa sa pangulo, ilan sa mahahalagang gamit na hiling ng mga Pilipinong nabiktima ng lindol ay kumot, winter clothing.
Batay sa huling ulat, aabot na sa halos 5000 ang nasawi sa naganap na malakas na lindol sa Turkey at Syria.
Facebook Comments