Gobyerno magpapatupad ng kamay na bakal laban sa mga rice retailers na hindi tatalima sa SRP at klasipikasyon ng bigas

Simula sa Biyernes mahigpit na ipatutupad ng magkakatuwang na ahensya ng pamahalaan ang parusa laban sa mga rice retailers na hindi susunod sa itinatakdang Suggested Retail Price (SRP) at rice classification.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez katuwang nila sa pagbabantay sa mga pamilihan ang Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA) at pambansang pulisya.

Sinabi ni Lopez, na mahaharap sa multa ang sinumang tindero ng bigas na hindi tatalima sa SRP at klasipikasyon ng bigas.


Paliwang nito sa unang offense mahaharap ang mga retailers sa written warning ngunit sa mga susunod na paglabag pagmumultahin na ang mga ito ng P2,000 hanggang P1-M at posibleng makulong pa ng 4 na buwan hanggang 4 na taon.

Bukod dito, kakanselahin din ng NFA ang lisensya ng mga magpapasaway na rice retailers.

Facebook Comments