Gobyerno, mangungutang ng $5.6-B sa mga foreign banks para sa COVID-19 response

Mangungutang ang gobyerno sa World Bank at sa Asian Development Bank para muling mapaangat ang ekonomiya sa harap ng epekto ng COVID-19.

Sabi ni Finance Secretary Carlos Domiguez III, 5.6 billion dollars ang balak hiramin ng pamahalaan.

Kung kulang pa, lalapit na rin sila sa commercial market.


Tiniyak naman ng kalihim sa publiko na may pera ang gobyerno pero hindi aniya ito “endless” kaya dapat na magamit ito nang tama.

Ipa-prayoridad aniya ng gobyerno ang mga programang magbibigay ng subsidiya sa mga low-income families at mga manggagawa ng small and medium enterprises na pansamantalang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments