Gobyerno, maraming dapat na tutukan sa bansa ngayong Bagong Taon

Ngayong Bagong Taon ay iginiit ng isang senador na maraming dapat na tutukan at bigyang prayoridad ang pamahalaan.

Binigyang-diin ni Senator Chiz Escudero na lailangang paghusayin ng gobyerno ang kalidad ng pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Aniya pa, dapat ding ang patas na access sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at kabuhayan o trabaho dahil ito ay mga karapatan na ginagarantiyahan sa ilalim ng ating Konstitusyon.


Mahalaga din aniyang tiyakin ang pagkakaloob ng mahusay na serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng matapat, malinis at transparent na pamamahala sa national at local level.

Upang matamo ang lahat ng ito sinabi ni Escudero na kailangan ang pagkakaroon ng kapayapaan sa loob at labas ng bansa.

Mababatid naman na unang nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri ng pag-asa at pagkakaisa ng mga mamamayan at ng gobyerno ngayong Bagong Taon.

Facebook Comments